JEEP- Kamuning, EDSA, Kamias (maikling kuwento)

Dahil bakasyon, nakapagsulat ng isang maikling kuwento batay sa Kamuning-EDSA-Kamias area. Gawang isip lamang ang lahat. Hindi ito tunay na kuwento.

*Babala, may mga mura ang kuwento, hindi talaga ako nagmumura. Para lamang maging mas makatotohanan, at dahil parte na ng talasalitaan ng mga tao ang pagmumura araw-araw, isinama ko na. Muli, hindi talaga ako ganito magsalita. Hindi ako nagmumura. 🙂

Continue reading

Kamuntik ko na silang binangga…

BABALA: Naglabas ako ng sama ng loob sa post na ito. Asahan na puro RANTS ang mga mababasa, lalung-lalo na yung sa bandang dulo… 😐 😦

Kung bakit kayo nagtataka sa pamagat, basahin muna ang karanasan ko sa mga lansangan dito sa Maynila.

Kanina, dalawang beses kong kamuntik nang banggain ang dalawang magkaibang kotse sa lansangan. (Hah? Bakit mo naman sila ibabangga? Ang sama sama mo naman!) Bago ninyo ako husgahan, ilalahad ko muna ang dalawang kuwento.

Sinabi ko nga sa post kong “Pagmamaneho sa Manila” na naiinis ako sa mga nagcocounterflow. Bakit naman sila magcocounter flow e may linya sila? May linya sila na sumisimbolo ng kanilang hangganan sa kalsada. Ang kabilang bahagi ay para naman sa mga kotseng papunta sa kabilang direksyon. Maski mga bata ay alam iyon. Hindi siya mahirap intindihin. Ngunit, iba ang nangyari kanina.

Araw-araw, dinadaanan namin ang Kamuning-EDSA-Kamias. Tatawid kami sa EDSA. Sa simpleng intersection na ito ay marami ka nang mapapansin at maisusulat. Maaari ang sistema ng jeep dito (ayaw maglink -____-)(“Dyip” at “Sa Kanto Lang”, pakihanap na lamang sa aking archives sa kaliwa… )(Dyip- March2012, Sa Kanto Lang- May2012), mga nagcocounterflow, ang mga bus, mga pasaway na pasahero/commuters, kahit na ang mga traffic enforcers dito.

Sa post na ito, pag-uusapan ko, muli, ang pagcocounterflow sa lugar na ito. At kamuntik ko na talaga siya gustong banggain. (Tapos ngayon siya nalang? Ano yung “sila” sa pamagat?) Wait lang! Mamaya ko na iyon ikukuwento!

Kaninang umaga, go kami. Edi nakatawid na ako sa EDSA papuntang Kamias area. As usual, may mga nagcocounter flow. Nabanggit ko nga sa “Pagmamaneho sa Manila” na hindi ako pumayag na ganun ang trato sa atin ng ating mga opisyal ng gobyerno kaya huminto ako sa harapan niya. Kanina, may MGA kotseng nagcocounterflow (“What’s new?”, ika nga). Ngunit kanina, Mala opisyal ng gobyerno rin ang kapal ng mukha ng kotseng ito. At, grabe lang ah, ako pa yung tumabi sa kanya. E halata namang KINAIN na niya ang kalsadang nakalaan para sa aming papunta sa kabilang direksyon! Binusinahan ko pa siya. Siguro kung mag-isa lang ako sa kotse, hindi ako aabante hanggang hindi siya bumalik sa linya niya. hihinto lamang ako sa harapan niya. Kasalanan niya iyon. Nasa tamang linya ako. Kamuntik ko na siyang binangga sa puntong iyon. (Alam kong mali iyon, huwag tularan).

Nang kami’y pauwi na, may isa pang insidente ang nangyari. Sa may E. Rodriguez Sr. Ave., pag dineretso mo lampas Tomas Morato papuntang Cubao, ang unang stoplight na lugar na iyon. (Yung may gas station na may alagang mga aso sa isang lalagyan ng mga LPGs nila) 🙂

Sa intersection na iyon, marami ang kumakaliwa papunta sa tulay na patungo sa hindi ko alam ang pangalan, ito ang direksyon patungong Cubao. At dahil alam kong 20/20 pa naman ang aking paningin, naka-green ang stoplight ko. So dapat tuluy-tuloy lang ako dapat diba? E yung isang kotse na brinight ko na, tumuloy pa rin sa pagkaliwa niya at huminto pa kasi barado na. Sige kuya, isaksak mo pa ang kotse mo sa baradong kalsada. Sobrang nakakainis kasi alam mong green ako tapos pula sila. At take note, dalawa pa ang stoplight nila a… Hindi mo naman masasabing hindi siya marunong sa buhay kasi nakabili pa nga ng kotse e. Yung sa akin lang, ANO BA YAN KUYA? SIMPLENG PULANG STOPLIGHT LANG HINDI MO MASUNOD? AT PINIPILIT MO PANG ISAKSAK ANG KOTSE MO SA BARADONG KALSADA? Nakakastress ka ah… Kamuntik ko na siyang binangga, as in ang dikit ko na sa kanya kasi nga go ako e… (o ayan, naging “sila” na) (muli, maling pag-iisip, magastos, huwag tularan).

Kung tutuusin, wala akong karapatan bumangga sa kanila sapagkat mga kapwa mamamayan ko sila sa lipunang ito. Yung sa akin lang ay sana ilagay natin sa lugar ang ating pagmamaneho. Kailangan natin ng DISIPLINA SA KALSADA dahil hindi lamang ako ang iyong nagagambala kundi na rin ang mga tao at mga iba pang mga kotse. At sana huwag natin ipagyabang ang ating kotse kasi minsan, nakakairita rin sila.

Ang post na ito ay nakalaan para sa mga nagmamaneho tulad nila. Hindi ko pa sinama rito ang mga Motorsiklo at ang mga Bisikletang grabe rin kung lumampas sa kanilang mga linya… 😐 Lalung-lalo na pag gabi at wala pa silang mga ilaw at isama mo na rin dito ang mga jeep! Ay ang dami pa palang mga topics na puwedeng maisulat… 😐

Matapos ang post na ito, dapat ko nga ba silang banggain? Huwag, magastos kung magpapaayos ng kotse saka malaking hassle pa siya. Ngunit, diba tama naman ako?

*Kung may mga komento kayo o kaya’y mga reaksyon base sa aking mga sinusulat, mangyari lamang po na magkomento sa ibaba ng blog na ito upang matulungan niyo rin akong mas husayin pa ang aking pagsusulat o kaya’y palitan at tanggalin ang mga hindi dapat nandirito. At iffolow ang aking blog! * :)

Dear KUYA and ATE

*I hid the person’s face and body and the restaurant’s name and the car’s maker and model…

So basically, you will find numbers like (1), (2), etc. along the way because I have a really big QUESTION MARK regarding each one of them per number at the end…

Ngayon palang, I’m already apologizing for using Taglish/Konyotic language. I just want to narrate this as how it REALLY happened straight-forward.

Today, Nov. 26, 2011, Saturday, kamuntik na kami ma-late sa NSTP Skills training dahil dito… K

For people’s names, let A = my NSTP groupmate and the VICTIM; B = my other groupmate; X = the guy owner of the black car (don’t want to ruin the car company); Y = perhaps the guy’s wife.

So we were already going out of the parking space and while waiting for the car behind us to go, there was then this guy, X, knocking on the window and was asking A to roll down his/her window. X said, “May lisensya ka ba? Patingin nga!?” Apparently, nagasgas DAW namin yung kotse nila. So we all got down the car.

When we got down, we were directed to their car. We then saw Y. When we saw it, my first initial reaction was, NASAAN YUNG GASGAS??? Literally all of us were looking where. THEN, TINANGGAL NI Y YUNG MGA NATUYONG DUMI SA BUMPER NG CAR (1). That’s when we saw the REALLY REALLY MINOR line of gasgas that for them seem to be the end of the world. And we actually touched it, medyo smooth naman and parang wala nga e. (2) Ok, I’m sorry if you’re a car fan, but really sobrang babaw lang talaga. Hey, it’s just my own opinion.

Y said, “NIYANIG kami nung tinamaan niyo kami.” (3) Then X told A to show him again his/her license, even questioning her if he/she really does have a license. THEY WANT A PHOTOCOPY OF IT. (4) A then told them that we really need to go because we have NSTP thing at school. Y won’t let us. She wants to have the license photocopied because they have been victimized already before.

B, another groupmate of mine, asked Y, “Ano ba yung problema?” Y, really annoyed, “Hindi mo ba nakikita? Ayun o, yung gasgas!” And then B asked another question that I forgot and Y answered then B just crossed his/her hands on his/her chest and a little shake of head and OWVER react naman si Y. She then asked B if why B did that. WOAH! Then B said na wala. But Y was insisting that B believes that X and Ys are the kontra-bidas.

A, panicking, called his/her mom on the phone. X talked to her and got her number (the mom). REALLY, THEY WERE CHARGING US 10,000 PESOS for that little GASGAS!!! (5) They said that the car just came out of (insert the car company’s name here) and then nagasgasan na tuloy. (6) They said that they just parked their to take-out but when they get out, this happened. (7)

Even some drivers there said that wala namang gasgas and maliit lang.

Still don’t want to release us, even though NSTP thing will start any moment, I saw what might have been the REAL problem.

I took a photo of it and TADA!

The problem was, from my own theory. TABINGI MAGPARK SI KUYA!!! If you don’t want your car na magasgas, kuya naman, learn how to park straight so that hindi pa maaabala yung iba and madamay pa… K. You know what? Sinearch ko pa sa internet kung may ganitong modus operandi pa talaga… (Fortunately, wala naman…)

Wala sa photo yung gasgas, nasa righ side ng car’s bumper sa likod. And nasa right nakapark yung kotse ni A.

So in the end, kinuha yung number ng mom ni A. Sinaabi naming na we will support A and wag bayaran sina X and Y. Hindi sila worth fighting for kasi ang babaw ng dahilan nila. Really Kuya at Ate??? 😦

(1)- Kuya at Ate, kung nagasgas man namin yun, hindi ba dapat natanggal na yung dumi at hindi na kailangang tanggalin gamit ang kamay? I mean, kung talagang madumi yun, pano niyo naman nalaman na doon yung mismong gasgas? Unless na matagal na pala yung gasgas doon? Isa pa, pano niyo naman sure na yung mga gasgas sa harap ng kotse ni A ay dahil natamaan kayo? I bet hindi nga umabot sa inyo yung car niya e… 😐

(2)- Diba dapat kung bagong gasgas medyo rough? E yung gasgas ng kotse niyo parang natamaan lang ng ballpen sa sobrang NIPIS ng gasgas e… 😐

(3)- Hello Koya at Ate, kung niyanig kayo edi dapat niyanig din kami diba??? 😐

(4)- Bakit nila kailangan ng photocopy ng lisensya? Para istalk yung groupmate ko sa FB? 😐 Saka hindi naman sila MMDA para kunin yung kahit photocopy ng license ni A… 😐

(5)- Really? 10,000 para sa isang MALIIT na MINOR na MANIPIS na HINDI MALALIM na gasgas? If I know natatanggal yan ng basahan dahil hindi naman talaga nabangga in the first place. 😐

(6)- Kung talagang kakagaling lang sa car company yung car, bakit naman ang dumi na niya agad? Nagrough road advanture kayo? 😐

(7)- Kung magtatake-out lang kayo, why not use the drive-thru? They invented it for a reason you know… 😐

So yeah, I just had to let it out. 😦