Atisan Boy: Walong Diwata ng Pagkahulog

Natapos kong basahin kahapon ang “Walong Diwata ng Pagkahulog” ni Dr. Edgar Samar. Uy, nakabold na siya sa listahan. 🙂

At para hindi kayo ma-spoil nang todo-todo, konti lang ispospoil kong mga detalye.

Hello! I am offering my service and assistance as a proofreader / editor for college major papers and undergraduate theses as a side hustle (Philippine-based)! I offer language editing in terms of grammar, spelling, punctuation, sentence construction, and the like in both Filipino and English languages. I have a Master of Arts degree in Literature (Filipino). Feel free to send me an email at jeremyjamessim@gmail.com for inquiries. Thank you! 😀

Ito ang aking ikatlong pagkakataong makabasa ng akda ni Sir Samar. Ang una, ang maikling kuwento na “Uuwi na ang Nanay kong si Darna” na aming binasa dati sa Fil11. Susunod ang “Sa Kasunod ng 909” na binasa namin bilang bonus paper (na natapos ko nung sembreak na, haha) sa aming Fil102. At ngayon, ang “Walong Diwata ng Pagkahulog”.

Kung ninanais niyong basahin ang librong ito, nais kong sabihin na malilito kayo sa buong libro. Huwag magmadali sa pagbabasa. Madaming mga plot twists, humanda. Haha. Sa simula pa lang, ang Table of Contents ng libro ay parang isang checkerboard. Kakaiba. Tapos, magsisimula ang nobela sa isang email ni Glen kay “Atisan Boy” at sa Friendster pa sila nagkatagpo makalipas ang ilang taon.

Susunod, biglang dadalhin ka ng nobela sa pagkabata ng mga bida. May mga “kabanata” ang nobela na kung saan madami siyang mga pagmumuni-muni.

Patalon-talon ang kuwento. Kinakailangan mong tahi-tahiin ang mga pangyayari sa iyong isipan nang maunawaan ang buong larawan, ang buong kuwento.

Ang nakatutuwa sa kuwento, may realism na siya, may fantasy pa! Nagbanggit na siya ng mga alamat, nagbanggit din siya ng buhay ni Karl at pati ng mga taong nakapaligid sa kanya. May mga lumang kuwento ang mga nakatatanda sa kanilang lugar, may  mga tagpo ring muli niyang binabalik-balikan ang nakaraan.

At ang masasabi ko pa sa librong ito… Ang daming mga quotable quotes! Haha. Tagos sa puso at isip ang mga iba! =))) Halimbawa…

“… Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon– paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan– kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.” (p. 33)

“Mas nagkakasala ba ang isip ko o itong katawan ko? Ang isipan, kayang usigin ng konsensiya– sublit paano nagsisisi ang katawan? O paano itutulak ang katawan para sa pagsisisi? Kung naniniwala sana ako sa paglalaro sa salita, kayang-kaya kong sabihin, katawan din ang katawan. Subalit para saan? Ano ang ibig sabihin nitong ni hindi ko kayang pangalanan…

… Subalit sapat na bang pagsisisi ang pag-iyak? Marami ring tao na naiiyak dahil sa galak, sa sobrang kasiyahan, walang-walang pagsisisi.

Kung hinayaan ko sana noong masugatan ang katawan ko… at hindi nga ito gumaling, kung hindi nga ito gumaling, baka maaari kong sabihin ngayon, heto, heto ang palatandaan na nagsisisi ang katawan ko: hindi niya pinaghihilom ang sarili.” (pp. 152-153)

“Bawat araw, nahuhulog ako, pababa, pababa nang pababa, at nang sa palagay ko’y wala na akong ibababa pa, saka ako tumingala. Noon ko natuklasan: oo nga, lagi lamang tayong nahuhulog, ang mga tao. Subalit wala tayong kakayahang lumipad pataas.

Kaya lamang nating tingnan ang mga bagay mula sa ibaba.

… Mula rito ko lamang maaaring sipatin ang mga pangyayari. Nangangawit ang leeg. Subalit talagang ganoon: laging mas malaki ang mga pangyayari, ang nagdaan kaysa sa akin. Kaya ko lamang silang tignan nang may pagkamangha. Mga dambuhala. At tila tiyanak akong nanliliit sa kanila. Kaya’t kailangan ko silang paglaruan. Iligaw. Naroon lamang ang kapangyarihan ko sa harap ng higit na malalaking halimaw. Maaari ko silang iligaw, kahit na ba hindi ko naman talaga alam ang ibig sabihin noon: pagkaligaw. Dahil ako na nabuo sa ligaw, bilang ligaw, ay hindi na kinakailangang maligaw pa.” (p. 175)

Inirerekomenda ko ba ang libro? Oo. Pero may mga tanong pa ako sa kuwento. Nabitin ako sa ending, may part 2 ba? Haha. Kakaiba ang paraan ng pagkukuwento. Kakaiba ang estilo.

Ibang kuwento at estilo naman ang “Sa Kasunod ng 909”. Parehong magaling. Parehong mapapa-mbi08[qwujrd9-wbjopfd90sapofjerpjb;msmviqrwp[rew- (mindblown) ka sa dulo. 😀

Salamat Dr. Samar! 😀

Kasalukuyan kong binabasa muli ang mga akda ni Lualhati Bautista (Bata Bata, Dekada ’70, ‘Gapo, at Desaparesidos) dahil sila ang aking 1st thesis proposal. (Hindi ko pa nga alam kung na-approve na yung mga proposals namin e). Pero dapat maging handa. 😀

6 thoughts on “Atisan Boy: Walong Diwata ng Pagkahulog

  1. Pingback: Makatapos ang Dalawang Buwan: Summer 2013 | walangmagawasijerms

  2. Pingback: Walong Diwata ng Pagkahulog | Atisan Archives

  3. Pingback: Filipino Electives (2nd Sem, 2014-2015) | walangmagawasijerms

  4. Sir Edgar pwede po ba magtanong ? Nabasa ko po yung kwento ng “Walong diwata ng pagkahulog” na gawa po ninyo at nagandahan po ako, pero nagtataka po ako kung bakit Walong Diwata ng pagkahulog ang tittle saka kung bakit po may simbolo sa taas ng unang pahina na spider web ?

Leave a comment