Pagkatapos ng Dalawang Buwan: Summer 2013

Natatandaan ko pa ang araw na sinulat ko ang Dear Post Senior Jerms noong Abril. Ngayon, sasagot ko na ang mga iba niyang nilagay roon. 🙂

Uy, post junior Jerms! Grabe lang itong Summer 2013 mo! AS IN GRABE! 😀

Ililista ko ang mga nangyari simula ng paglabas ng mga 3rd year: 2nd sem grades mo. 🙂

 

– Ayun, napakahassle ng pag-enlist sa summer sem mo kasi ang gulo ng konsepto ng “required subject” laban sa hindi. =))

– Lumabas na ang memong gagawa kayo ng Mode of Transpo para kay Mona Kaye para sa TNT 1st interview— Na ginawa mo sa loob ng walong araw.

Nagmall kayo kasama ng iyong mga kaibigan mula sa 4-Blue at nangako ka pang gagawa ka ng collage. Na hanggang ngayon ay hindi mo pa nagagawa.

 

AY TEKA. Pili ka. Good news o Bad news? Bad news na lang muna, para macompensate ng good news ang bad news. Haha.

Sa maniwala ka’t sa hindi… Hindi ka naging hardcore TNT. Ops. Hingang malalim. Inhale, Exhale, “fffaaaaammmmiiillllleeeeehhhhhh”. Sink in. Sink in. Diretsahan agad agad? Wala man lang suspense? E wala na e. Nasabi ko na. Tanggap tanggap din ‘pag may time. 🙂

Anyare? Actually, hindi lang naman ikaw ang hindi natanggap pero stop na. Tapos na ang mga bitterness. Tapos na nga pati yung OrSem mismo e. Tapos na ang BV-ness. Wala ka nang magagawa pa. Madaming mabubuong mga theories, at marami kang mababasa sa inbox at kung anu-ano pang mga malalaman mo. Ok stop na. 🙂

 

MOVING ON. GOOD NEWS. At promise, ito ang magiging highlight ng summer mo.

19 days ka lang naman napadpad sa probinsya ng… Aklan. PERO GRABE! Ibang klaseng experience ‘to! Tanungin mo pa ang iyong… SUNBURN! Hahaha! =))))

Isang linggo kayong naglecture sa SS Conf1/2. Tapos, lumipad na kayo papuntang Kalibo! 😀 Ito pa nga ang iyong ginawang schedule sa Excel o. =)))

Ang inyong schedule:

3 araw sa Kalibo, 3 araw sa Boracay, 13 araw ulit sa Kalibo.

Nandito pa nga ang iyong mga albums:

1.) First 3 days (Village, Lecture day, Kalibo Town Tour)
2.) Boracay 3 days (Ops, may mga hindi ka inupload kasi bawal i-upload. Sensitive issue…)
3.) Days 7-9. Mga patapon at freeloader days. Haha =)))
4.) Days 10-12. Mga field work days kaya puro gabi. 🙂
5.) Day 13. Balete fieldwork day! Pinakamasarap na lunch! =((((
6.) Day 14. Huling araw bago tumanda muli. 😦 (at nakapag-blog ka pa!)
7.) Day 15. Happy Twenteenth birthday! 😀 Ito ang iyong unang kaarawan na hindi mo nakasama ang iyong pamilya. 😦
8.) Day 16. Mock Presentation day 1.
9.) Day 17. Mock Presentation day 2.
10.) Day 18. Public Presentation day! Pressure! E yung mga nagsalita sa ibang grupo ay mga valedictorians? Ano ang laban ko sa kanila? Haha! =))) Huling gabi sa Kalibo. =((
11.) Day 19. HULING ARAW SA AKLAN. =((( Paalam Aklan, Hello Manila. Hello 2nd auds making. 🙂

Ops! Mga fieldwork albums! 😀 (Nasa Day 13 na ang Balete fieldwork album)
1.) Malinao visits (Days 7 at 10). Wala na. Gusto ko nang tumira rito!!! 😦 Ang ganda lang ng lugar! Ops, ibang blogpost na lang ang Malinao. =)))
2.) Malinao Town Fiesta (Day 11)! HAKWATON, SIKI-SIKI, BIEIRAHAN! 😀 SOBRANG SAYAAAA! 😀

 

Pagbalik mo ng Manila, todo gawa ka na ng TNT 2nd auds mo. Nagpuyat ka pa. Next topic. 🙂

Umuwi kayo sa Pangasinan pagkatapos ng 2nd auds mo kasi Eleciton2013 na sa susunod na Lunes! Ang masasabi ko lang, hindi nakapasok sa Magic 12 ang karamihan sa iyong mga binotong senatoriables. Nanalo pa rin ang mga ibang local EPALiticians. Ugh. 😦

Pagbalik mo sa Manila, hindi pa tapos ang iyong Summer sem! Nagmeet pa kayo ng iyong mga kagrupo kasi may Final Group paper pa kayo. Pagkatapos, may Final Individual Paper ka pa. (At sinong nagsabing nagtatapos na ang lahat sa Aklan? Haha! May trabaho ka pa!) Pagkatapos, tapos na. Tapos na ang summer sem mo! 😀 O, huwag ka nang malungkot. Lumabas na nga pala ang iyong mga summer grades.

O diba? Sulit naman ang iyong 19 days sa Aklan at ang pagpapanic sa UD lobby at sa AESS ORgRoom? 🙂 Kaya smile na! At tulad nga ng sinasabi ni Ryzza Mae Dizon (ay alam mo ba, may sariling show na si Aleng Maliit bago ang Eat Bulaga? haha!)

“Bawal ang sad. Dapat, happy!” 😀

Oo nga naman. Dapat maging happy. 🙂

Tapos noong ika-26 ng Mayo, ginanap ang 65th Wedding Anniversary nina Gwakong at Gwama! WOW lang! 😀 At tulad nga sa nabanggit mo sa iyong Final Individual paper, naging freeloader ka kasi sinama ka sa outing kasama ang inyong mga kamag-anak mula sa Indonesia. 😀 Freeloader powers: activate! Haha! 😀

1st sem enlistment! Hello Last batch! Sa katunayan, Philo at Theo lang naman problema mo kasi yung mga iba, pre-enlisted ka o iisang section lamang. Kaya inuna mo na ang iyong Philo at Theo. At ito ang iyong schedule. O kung mas gusto mo, ito ang Excel format. 😀

Bumisita ka sa TNT training. Nagbayad ka kasi ng car sticker at ng iyong tuition. Alam mong gustung-gusto mong bumisita kasi hindi mo kayang hindi pumunta. Kahit makita man lang sila. Pero hindi ka na pumunta sa mismong OrSem. Na balita ko may mga na-late daw. Ugh. Sayang slots. Sana sa amin na lang. </3

Kaya ayun, mas pinili mong umuwi sa Pangasinan para makalayo. Tapos lumuwas ulit kayo noong tapos na ang OrSem. Ganyan talaga. 🙂 Alam kong maghihilom din ang sugat. Kumbaga, sa tuwing may bago kang sugat, tapos na dumugo. hinihintay mo na lang maghilom ang sugat. 🙂 So ngayon, nakikita mo lahat ng mga posts ng mga tao sa FB at Twitter. Wala kang magawa kundi i-like at i-favorite ang bawat isa– kasi masaya ka para sa kanila. 🙂

Sa buong summer, nakabasa ka ng dalawa’t kalahating nobela! Haha. Ang una, ang “The Lucky One” ni Nicholas Sparks, Ikalawa, ang “Walong Diwata ng Pagkahulog” ni Dr. Edgar Samar. At ang kalahati, ay ang “Bata… Bata… Pa’no Ka Ginawa?” ni Lualhati Bautista (na ikalawang beses mo nang binabasa.) 😀

At ito pa pala! NAKANOOD KA NG CONCERT NG THE SCRIPT! 😀 Sulit ang binayaaad! 😀

Pumunta ka rin sa Inspirational Talk ni Nick Vujicic na ginanap sa CCF! 🙂 Truly, Unstoppable Faith! 😀

At sa ngayon, SALE ANG ADMU PRESS!!! Ipon-ipon din pag may time. Pinagbabawalan na kitang bumili ng mga softdrinks!!! Dapat sulitin ang sale ng mga nobela!!! =(((((

At ito pa pala. May sumabog sa Serendra. At alam mo bang nasa Bonifacio High Street ka nang nangyari ‘yon? :O

At alam mo ba, nag-email na ang isa mong prof! May readings na agad-agad! Haha. Kaya magsisimula na akong magbasa pagkatapos kong i-post ang blog na ‘to! 😀 Kailangan magleave ng impression sa prof! Ay, parang Cinna lang sa Hunger Games? Haha. =)))

Ay bonus! Nakuha mo na ulit ang iyong laptop, MATAPOS ANG WALONG LINGGO SA REPAIR CENTER! Haha! Hassle na nakikihiram ka lang ng laptop dito sa bahay para sa Final Paper mo sa Philo102! Alam ito ng mga followers mo sa Twitter. Haha. =))) Makukuha mo ang iyong laptop sa araw bago ng iyong TNT 2nd auds. Haha.

 

So ayun. Ito ang mga nangyari sa iyong Summer 2013. Naging makulay naman siya. 🙂 Puro masasaya sa simula, heartbreaking malungkot sa bandang dulo. Ngunit subalit datapwat, kinakalimutan mo na ang nangyari, nagiging masaya ka para sa kanila. At sa huli’y gusto mong maging GV bago magsimula ang mga klase sa Lunes!!! 😀

 

Regards,
2 Buwan pagkatapos ng pagiging Post Junior mo. 😀 Selfhug! >:D< Haha

Leave a comment