Day 2 pa lang!

Ikalawang araw pa lamang ng aming Summer Sem pero sobrang dami ko nang natutunan! =((( <– tears of joy yan.

Sa mga hindi pa nakakaalam, nagminor kasi ako sa Cultural Heritage ng Sociology and Anthropology Department (na SOBRANG COOL AT AWESOME!) tapos, sumali pa ako sa Ateneo Cultural Laboratory 2013 . Sa ngayon, isang linggo kaming puro lectures mula sa mga iba’t ibang profs ng SA Dept, sa Histo Dept, at sa Fine Arts Program. So far, sobrang saya ng mga lectures! SOBRANG INTERESTING! Sobrang eye-opener! Sobrang fascinating! Nakakamanghang marinig ang mga tinatalakay ng mga profs na ‘to! :>

At ngayon, ang hirap nang hindi magjudge ng kahit ano sa ating paligid, culturally. Haha!

Dalawang araw pa lang, nakapitong lectures na kami. Sobrang daming impormasyon, ngunit ang mga laman nito ay dapat pag-aralan bilang estudyante, at bilang isang mamamayan.

At ang masaya pa sa mga klase namin, AIRCON! Haha! At puwede pa kaming kumain! 😀 YEY! 😀

 

Ang dalawang naiisip ko lang na negatibo ay dahil matagal ka nang nakaupo at malamig, nakakaantok (pero dapat labanin at dapat matuto mula sa mga speakers), at nakakapagod at nakakadrain ang makinig sa loob ng ANIM na oras na lectures kada araw. Pero OK LANG! 😀

Hindi ako nagsisisi! 😀

See you Aklan in less than a week! :”>

One thought on “Day 2 pa lang!

  1. Pingback: Makatapos ang Dalawang Buwan: Summer 2013 | walangmagawasijerms

Leave a comment