Ano nga ba ang magagawa ko? Ikaapat na Linggo.

Kahapon, ikaapat na linggo na ng aking laptop sa repair center!

Kung sinusubaybayan niyo ang aking blog, o nababasa ang aking mga tweets, alam niyong APAT NA LINGGO na ang aking laptop sa Repair Center!

Nagsimula ito noong Marso 22, Biyernes, habang ginagawa ang Final Paper ni Fr. David sa Library! Mabuti na lang, inemail ko sa sarili kong email ang bawat pahina na aking ginagawa… Kaya hindi nawala ang 4 pages na nasulat ko na. Mabuti na lang, mabuti na lang. Pagkauwi ko, pumunta kami sa repair center para maipaayos na. Sabi, kailangan kong ideposit ang aking laptop para madiagnose nila. Iyon na ang huling pagkikita namin. (Tamang drama lang)

Paki-click ang imahe para lumaki

Paki-click ang imahe para lumaki

Makikita sa mga imahe na nilagyan ko ng kahon ang bawat petsa ng aking email. Mabuhay ang print screen! So inemail nila sa akin ang diagnosis at kailangan kong magbayad para marepair na nila…

Binayaran ko ang fee noong March 26, Martes ng umaga, kasi ioorder pa raw sa ibang bansa ang piyesa. Inisip ko, hindi naman super holiday ang Holy Week sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas kaya pagkabayad ko, maoorder na nila ang piyesa.

May natanggap akong text noong April 1 na natanggap na nila ang aking bayad at mag-ooder pa lang sila! Sa isip ko naman, bakit hindi nila inorder noong Martes ng hapon? E magkatabi lang ang repair center at ang tindahan nila? O baka may sistema silang sinusundan, hindi ko alam.

Sabi sa akin, mga 3-5 days daw bago dumating ang piyesa mula sa Singapore. Nag-email ulit ako noong mga April 7. Nagreply noong April 8.

paki-click ang imahe para lumaki

paki-click ang imahe para lumaki

Dumating na ang isang piyesa, may isa pa. May sira raw ang wire na nagcoconnect sa aking hard drive. Kaya kailangang palitan. E ano pa nga ba ang magagawa ko? So hinintay ko lang nang hinintay.

Hindi rin naman masyadong makapaghintay, email ako nang email.

paki-click ang imahe para lumaki

paki-click ang imahe para lumaki

paki-click ang imahe para lumaki

paki-click ang imahe para lumaki

Nagreply pala! Nasa Pilipinas na raw ang piyesa! Congratulations! PERO! Na-hold daw sa Customs! Pero, nalift na raw so hinihintay na lang daw madeliver sa repair center noong April 17. Hanggang ngayon, binabiyahe pa rin!

paki-click ang imahe para lumaki

paki-click ang imahe para lumaki

Hanggang ngayon, WALA PA RING BALITA!

paki-click ang imahe para lumaki

paki-click ang imahe para lumaki

BUKAS NA ANG FLIGHT NAMIN PAPUNTANG VISAYAS PARA SA AMING CULTURAL LAB! Paano ako ngayon? Lampas apat na linggo na ang aking laptop sa repair center, lampas 19 na araw na matapos maorder ang parts mula sa Singapore.

Kahapon, tinawagan ng ate ko ang center kasi may klase ako. Siyempre, kailangan na ng taray, sabi niya, kasi matagal nang nabayaran. Sabi, surprise, wala pa rin daw ang piyesa! So tinarayan niya, ano raw ang gagamitin ko sa fieldwork? Magpapahiram ba sila ng unit sa akin para may magamit ako sa Aklan? Hindi raw nila control ang delivery team. Hindi na ba uso ngayon ang updates at follow-up? Hindi na muli nagreply sa email ko.

Sabi, maghahanap pa raw sila ng available unit para mapahiram daw sa akin. Tatawagan daw ako.

Wala pa rin hanggang ngayon.

 

Matapos nito, tatawagan ko ulit ang center. Gusto ko nang sumugod. Gusto ko nang kunin ang laptop ko.

Pero ano nga ba ang magagawa ko kung hindi pa rin dumadating ang piyesa? Hindi naman ako angkulang sa pangungulit.

 

PS, ang kulit ko pala. =))) E desperation mode na! Bukas na ang flight namiiiiin! =|

3 thoughts on “Ano nga ba ang magagawa ko? Ikaapat na Linggo.

  1. Pingback: Pagkatapos ng Dalawang Buwan: Summer 2013 | walangmagawasijerms

  2. Pingback: Kung bakit hindi pa ako bumibili ng smartphone | walangmagawasijerms

  3. Pingback: Pangamba at Luwalhati | walangmagawasijerms

Leave a comment